Kanina habang nakikipagsiksikan ako sa mrt sabe ko sa sarili ko habang tulala ako.
"Ang gusto ko lang naman, ako na ang magpaaral sa mga kapatid ko, magbigay ng baon, gumastos sa mga projects nila, bumili ng grocery para may kinakain sila bago pumasok at pag uwi nila.
Magbigay ng pang gastos kay mama at papa. Hindi naman sila maluho. Simple lang mamuhay. kahit onti, kahit magkano ok na sila dun. Mabilan ko lang ng gusto si mama at papa.
Mailabas ko sila para kumain, manood ng sine, gumala, maidala ko sa mga lugar na ndi pa nila napupuntahan at nararanasan. Ma-idate ko sila.
Gusto ko lang naman na maging Provider ako sa pamilya tutal graduate nko ng college, panganay ako at matanda na din ako.
Gusto ko lang naman na maranasan din nila kung ano nararanasan ko pag nasa labas, nakakapunta kahit saan at nakakain din nila kung ano nakain ko."
Simple lang ang buhay ng pamilya ko pero bakit ung simple na un ndi ko magawa. Bakit ang bagal ng pagkakataon na mangyari un. Bakit? Alam kong darating un pero kelan pa? Matanda na sila, lumalaki na mga kapatid ko. Kelan pa? Kelan?
Kumikilos naman ako. Nagtatrabaho naman ako kaliwat kanan. Pero bakit ganun pa din? Wala pa din. Wala!
I Am Blog. I Am Casper.
No comments:
Post a Comment