Ang opportunity ay parang pagsakay sa isang mrt train. Minsan ibibigay at makakaupo ka ng maluwag pero meron lang pinipiling oras. Minsan naman ang opportunity na hinihingi mo mailap, masikip, madami at ndi ka makapasok o makapili ng papasukan o uupuan mo. Kelangan mo pang mag antay, makipagsiksikan at makipagtulakan sa dami ng mga kaagaw mo. Pero kahit na nakapasok ka man ndi pa rin kasiguruhan un kung magiging maginhawa ang pagpasok at pananatili mo sa loob pero kelangan mo magtiis, tanggapin at siguradong matatapos din. Hindi sa lahat ng oras ibinibigay to-- kelangan mong mag antay o makipagsabayan.
No comments:
Post a Comment