Tuesday, June 21, 2011

Nescafe Ad "Para Kanino Ka Bumabangon?"

Malinaw, simple at derechong tanong pero halos malaos na ang patalastas na yan sa telebisyon pero bakit ndi ko pa din nasasagot.. Ngyun na lang.

Ilang beses na tinanong sa akin yan dati pero ndi ko makuhang sagutin. Hindi ko alam kung bakit. Kahit ndi katotohanan na sagot ndi ko pa din nagawa, ngayon na lang..

Para kanino ba ako bumabangon? Ngayon ko naintindihan. Ngayon ko nasagot.

Bumabangon ako para sa aking dakilang ina na walang ibang hiniling at nabigay kundi ang taos puso at buong buo niang pagmamahal sa akin at sa buong pamilya namin na walang hinihintay na kapalit kahit ano man. Nag kusa sya. Magkukusa din kame. Ang pagmamahal ndi hinihingi. Binibigay at tinatanggap ito ng buong buo.

Bumabangon din ako sa umagang kay ganda dahil sa aking mga ayaw bitawan na mga pangarap. Hindi natatapos ang araw ganun din ang buhay na meron ka. Ituloy ang pangarap.

"Walang susuko. Ang sumuko, talo!"


I am blog. I am Casper.

No comments:

Post a Comment